Monday, September 26, 2011

Long distance relationship :')


Naniniwala ka ba s Long Distance Relationship?
Yung tipong DAGAT ang Pagitan?
At Langit nalang ang Inyong tinitingnan?
Kung saan, ORAS, ARAW, BUWAN, at Taon ang lilipas nang hindi kayo Magkasama.
Sisikat at Lulubog ang ARAW at Buwan, nang hindi nyo KAPILING ang isa't isa.
at sangkap ang telepono, sa matamis nyong Pagmamahalan
Internet naman ang tulay sa milya milya nyong PAgitan.
at ang mga kuhang litrato
ang taga kwento ng bawat pangyayari sa buhay nyo
na nagsasabi s puso nyo, SANA ANDITO KA.
SANA KASAMA KITA
sa madaling salita, ang nagi nyong sadalan ay
PAGMAMAHALAN
TIWALA at
PANGAKO.
Marahil isa ka sa sasagot ng HINDi.
dahil ba ang panahon at mundo
na ating ginagalawan ay nababalot ng TUKSO.?
dahil ba mahirap sumugal at hindi mo alam, kung karapatdapat ba sya s pagtitiwala m?
o dahil takot kang umasa at sa huli ikaw lang ang masasaktan?
sadyang maraming kinakatakutan ang tao..
takot masaktan,
takot matalo,
takot umasa,
kaya ang gantong klaseng relasyon
unti-unti na lamang nagiging alamat.
hindi pinapaniwalaan, kathang isip na lamang...
hindi ba sapat na sandata ang PAGMAMAHAL?
para labanan ang TUKSO at magtiis..
hindi ba karapat dapat na itaya ang buo mong PAGTITIWALA, para sa iyong taong minamahal?
at higit sa lahat, hindi ka tama na humawak ka sa PANGAKO?
na magsisilbing gamot sa lungkot, at sakit na iyong nadarama?
Sadyang nilikha ang mundo n balanse
lahat my kakambal at hindi ngiisa
ang SAYA may kakambal na LUNGKOT
ang GINHAWA may kakambal na HIRAP
ang PANALO may kakambal na PAGKATALO
at ang puso natin, ang magsasabi kung may kakambal hindi isang kabiyak.
dahil tummitibok ang puso natin ng buo, hinahanap lng nito ang mgbabalanse sa kanya.
pano kung ang taong iyon ay nasa malayo?
hindi ka ba SUSUGAL?
hindi ka ba MAGHIHINTAY?
handa ka bang MASAKTAN?
handa ka bang UMASA?
bakit hindi mo subukan?
sa ngyn, SAKIT, LUNGKOT at HIRAP ang iyong madarama..
pero darating ang araw, na babaligtad ang lahat ng iyan..
sa tamang panahon at pagkakataon
kung saan ang kamay ninyong dalawa, ay muling mglalapat.
ang init ng kanyang yakap, ay iyong madarama..
at ang ngiti sa iyong labi, ay muling mabubuo..
at ang iyong puso ay muling titibok, kasabay ang kakambal nito.
dahil masarap yung
SUMUBOK
SUMUGAL at
NANIWALA
kaysa..
SUMUKO at nag sa WALANG BAHALA....




by: prince ice




2 comments:

  1. ano to repost?

    depende sa magkarelasyon ang long distance ralationship, distance is a state of mind lang. you can always feel the love kahit skype lang.

    Trust nga is mahirap ipataw to anyone, pero anyone is willing to take risks basta nagmamahal.

    Long distance relationship ka jojo no? haha! Goodluck :) basta keep the fire burning.. ;)

    ReplyDelete
  2. yep yep.. it's from prince ice :) loko im not open into that kind of rel. pero nung nabasa ko to.. damn,, he has a point :)

    ReplyDelete