Tuesday, October 4, 2011

nagmamahal... nagiisip.. nangangarap.... :)

teenager.. sighs.. eto yung mga panahon na di ka pa sigurado sa mga ginagawa mo. panahon na.... maguguluhan ka.. may mga bagay na hindi ka maintindihan.. madami ring bagay na pproblemahin mo.. ang hirap pag nasa gantong edad ka.. lalo na pag hindi mo pa lubos kilala ang sarili mo... siguro ang hindi pagkakakilala saking sarili ang isang naging mabigat na problema pagdating sa pagiging teenager ko.. naging mahirap para sakin harapin ang mga dagok ng buhay... dahil unang una.. pano ko nga naman sosolusyonan ang mga bagay bagay kung hindi ko alam kung sino ako, kung anong mga kaya kong gawin at anong dapat sa mga panahong yon.. ako kasi yung taong napaka "random" yung tipong normal na sakin ang paglipad ng isip ko... nagpapasalamat na nga lang ako at bumabalik pa siya.. napakahirap para sakin na ibigay ang konsentrasyon ko sa iisang bagay lamang... kaya pinilit kong baguhin yon...pero naging mahirap... lumalabas kasi na hindi ko natatangap ang sarili ko pag  pilit kong binabago ang  mga nakagawian ko... sabi ko sa sarili ko noon.. hindi ba dapat ako ang unang tatangap sa sarili ko para matanggap ako ng iba... ako dapat ang unang makatanggap at magpahalaga sa kung ano ako.. kung ano ang kaya ko.. kung saan ako malakas at kung anong mga kahinaan ko... nung naisip ko yung mga bagay na yun.. isa isa kong tinanggap na.. ako to.. yung taong pala isip... yung taong pinagagana ang utak para hindi malamangan ng kapwa ngunit ginagamit ang puso kasabay ng isip..  ako na gumagawa ng paraan para maabot ang pangarap.. ako na mahilig makisalamuha sa iba't iba tao para malaman ang istorya ng buhay nila hindi para makisawsaw sa pribado nilang buhay,, kundi para matuto at ibukas ang sarili sa mga posibilidad..... simula ng maisip ko ang mga bagay na yon.. sinumulan kong tanggapin si JOSEPH ADRIANE LOTERIA,,, at unti unting mas naging komportable na ako saking buhay... oo.. hindi ko maitatagong madaming naging problema pero... naging madali na pag harap sa mga iyon para saakin dahil kilala ko na kung sino ako... alam ko na kung anong mga dapat kong gawin.. alam ko na kapag kailangan ko nang humingi ng tulong mula sa iba... dahil kilala ko na ang sarili ko... na kahit ilang beses mang lumipad ang isip ko at dumapo sa kung ano anong palaisipan ay tanggap ko ito... dahil ako to.. nagmamahal... nagiisip.. nangangarap.... :)

No comments:

Post a Comment